Vacay! (Kalanggaman Island) Leyte

I’m back again! Katatapos lang ng bakasyon ko this month. Ngayon ko lang din naisipan na i-post to sa blog ko haha. Super late post! Ngayon lang ako nakapag blog ulit, na miss kong sumulat. Anyways, 5 months din inantay naminpara makapunta sa Kalanggaman Island. Plinano talaga namin ng kaibigan ko na puntahan to kasi super stress na kami sa work, and we really need a break. Marami kami naririnig na magagandang feedbacks sa island and maganda daw talaga, so we give it a shot. Super excited kami after makapagpa book ng ticket. Then finally, the most awaited day has arrived! Kung kelan aalis na kami dun pa lang ako mag aayos ng mga gamit na dadalhin haha. The night before kami umalis gumala pa ko, kung kelan aalis na kami sa mismong araw dun pa lang ako nag ayos ng mga dadalhin, ang hilig ko talaga sa rush! Ang ending kulang kulang ang mga nadala ko. Buti na lang my good friend tintin is with me, may nahingan at nahiraman ako na mga things na kelangan ko hehe. Sisiguraduhin ko na next time na mag out of town ako prepared ako! This is my first out of town ever at di pa ko prepared! Ewan ko ba kung ano nasa isip ko, abnormal e. Maulan nung umalis kami parang may bagyo ata buti na lang di ganun ka lakas ulan.

plane1
umuulan pa talaga, tsk.
clouds
Puro puti nakikita ko kasi umuulan, haays. Di ko na enjoy ang view sa taas :/
selfie1
Nag-selfie na lang si Inday! haha
selfie2
Tin! say hi!

Eto na nga nakarating na kami Leyte, sinundo kami ng tito ng friend ko. Saya! Roadtrip. Dinaanan muna namin yung Mc Arthur Park. Probinsya feels! Napaka presko ng hangin! Hmmm.. Saaaraaapp!!

mcarthur-park
@McArthur Park w/Christine

Nag stay kami sa house ng lola ni tintin. Kinabukasan nagpunta kami Tacloban, dinayo namin yung Ocho Seafood Restaurant. Can afford nyo sya guys at take note ang sasarap ng pagkain. Di kayo magsisisi.

ocho-restaurant
Enjoying the food! Yumyum!

After namin kumain, pinuntahan namin yung San Juanico Bridge, the longest bridge in the Philippines that connects Samar and Leyte. At syempre, di ako nagpahuli magpakuha ng picture dito πŸ™‚ Buti na lang di maulan.

san-juanico-bridge
Model po ng tulay haha!

Meron pa pala kami pinuntahan, nadaanan namin to pauwi sa bahay nila tintin. Nakalimutan ko kung ano tawag dito hehe. Pakita ko na lang yung picture. May mahabang staircase tas sa taas may kubo na kita mo yung tanawin sa paligid. Mare-realize mong ang sarap mabuhay!

hello
pasilip hehe
scenery
ganda nung view sa likod ko πŸ™‚
scenery2
hays, sarap magmuni muni dito
sunset
palubog na araw nito
tinay
Ganda ni tintin oh :))
wala-lang
little footsteps! parang sobrang liit ng paa ko dito haha

At ang pinakaaantay namin, for 5mos. mapupuntahan na rin nami sa wakas! Nag travel muna kami papunta Palompon and once you’re there sasakay kayo ng bangka papunta sa Kalanggaman Island. Thank God, kasi nakisama talaga yung panahon sa amin. Napakaganda nung weather nung pagpunta namin sa Island. kasi nung gabi ulan ng ulan. So thankful talaga kami ni tintin kasi eto ang main reason ng pinunta namin dito πŸ™‚

trees
On the way to Palompon.. Probinsya feels talaga πŸ™‚
palompon
Ganda rin pala ng Palompon!
turtle
Totoo po syang turtle na na-reserved! Galing!
beach
Nakaka-relax tingnan πŸ™‚
beach3
Nakasakay na kami bangka papunta sa island
beach2
excited na kami nito hehe

At last! Nakarating din kami. Worth the wait! Nakaka inlove ang lugar. Nakakawala ng stress. parang ayoko na bumalik sa city haha. Marami talaga magagandang lugar sa Pilipinas na kelangan puntahan at i-explore. Sarap lang sa feeling πŸ™‚

sand
Footprints! Ganda ng sand :))
sand2
Ang ganda lang talaga ^_^
komang
Ano nga ba tawag dito? hehe. ang cute πŸ™‚
view7
far away look! haha
view6
obvious bang masaya kami? ^^,
view5
masaya kami, so what? πŸ™‚
view4
sarap mag-feeling! haha
view3
ganda ng dagat ^^.
view2
yung dagat yung nagdala haha
view
queen of the world! ^_^
beshy2
say cheese!
beshy
hello tin! ganda ng sand!

Parang konti nga lang pictures namin dito ni tintin hehe. May isa lang pala ako napansin, yung cr hindi maganda, kaasar nga e hehe. Pero more than that wala na naman ako reklamo, yung cr lang talaga πŸ™‚ Sobrang nag enjoy talaga kami. We give ourselves a treat for working hard. It’s about a lifetime experience. Paminsan minsan kelangan din natin magsaya di lang puro trabaho, nakakamatay yun hehe. Nung pauwi na kami naiwanan kami ng eroplano, di namin na check yung oras ng alis namin haha. Ang next flight kinabukaan pa! Need na namin makaalis talaga nun kc kinabukasa may pasok na ko and lucky for tin, off nya yun. So ang ending nag-bus kami pabalik haha. epic fail talaga. Pero ok lang, charge to experience na lang πŸ™‚ Next stop, Cebu naman next year. See you Cebu!

Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ka ng sariwang hangin, parang gusto ko nga mag uwi nu e kaso napaka imposible naman di ba haha.Hindi to maiintindihan ng mga followers kong banyaga, pinili kong isulat sya sa tagalog e, nosebleed na ko kaka-english haha.Β  Hanggang dito na lang muna. Hanggang sa susunod kong kwento!

 

Bakit nga ba ako nag blog? Nung una di ko talaga alam kung bakit. Nainggit lang kasi ako sa pinsan at kapatid ko. Inggitera eh! Haha! Wala akong ideya dati kung ano ang blog.

Wait! Teka lang! Bago ako magpatuloy sa aking kwento, isa munang patalastas! Haha. Kidding aside, hehe, pansin nyo naman siguro na karamihan sa mga sinulat ko ay wikang Inggles ang ginamit ko. Hep hep hep! Alam ko na iniisip nyo, may super powers kaya ako, nakakabasa ako ng mga isip! haha. Alam ko karamihan sa mga tao mapanghusga, ganyan din ako minsan haha.

Whoop! Pakinggan nyo muna rason ko.. ay este basahin pala haha. Inisip ko talaga dati kung sa anong lengguwahe ko isusulat ang lahat ng nasa isip ko dito sa aking blog. Akalain nyo yun! Nag-iisip din pala ako haha. Dalawang choices lang syempre ang pinagpilian ko, Tagalog at Inggles! Yun lang alam ko eh πŸ™‚ Naisip ko na pag purong Tagalog lang ang isusulat ko, malamang mga kapwa ko lang Pilipino din ang makakaintindi sa akin. Ayoko ng ganun. Limited lang ang mambabasa ko.Gusto ko kasi lahat maiintindihan ang mga pinagsasasabi ko dito. Gusto ko pati mga banyaga, makaka-relate naman sa kung ano ang gusto kong ipabatid. Kaya napag desisyunan ko na Inggles ang gamitin kong lengguwahe.

Sigurado ako ngayon, “nose bleed” ang mga banyagang sumusubaybay sa aking blog pag nabasa nila Β ito dahil isang umaatikabong Tagalog ang sinulat ko. Hahaha! Β Hindi naman sa pagmamayabang, ahem! karamihan sa aking mga followers ay kung saan saang lupalop ng daigdig nanggaling. Mga alien! Hahaha! Nakauto ako haha. Mga ingglisero’t ingglisera, pang United Nations ata ang blog ko ahaha! Kaya kinakailangan ko talaga mag inggles para sa kanila haha. Di naman lingid sa ating kaalaman na ang Inggles ay “universal language”, kaya kahit sino o ano pa man ang lahi, nakakaintindi at nakakapagsalita nito. Mas madali kong naipaparating ang aking damdamin sa iba’t ibang sulok ng mundo na kanila namang niyayakap. Hindi porket Inggles ang ginagamit ko sa aking pagsulat ay hindi na ako maka Pilipino. Ang pagiging Pilipino ay hindi lang nababase sa pagsasalita ng wikang Tagalog kundi ito ay isinasapuso, at pinapakita sa gawa. Wala ba kayong mga kamay? Palakpakan naman dyan haha.

Ang tanging ginagawa ko lang dati sa blog ko ay mag-reblog. Reblog dito, reblog doon. Walang katapusang reblogging ng kung anu-ano haha. Tapos napaisip na naman ako. Aba! feeling ko tumatalino na ko kasi lagi ako napapaisip ahaha. Dun ako nag-umpisang magsulat online. Parang diary lang nug una tas nag-level up ako haha. Gumawa rin ako ng mga tula, as usual nainggit na naman ako sa iba haha. Inggitera ako in a good way naman, oh ha! nag justify na naman ako haha. There’s an artist in me pala, naks! di ko ini expect yun hahaha. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Kaya ko rin pala.

Kung napapansin nyo nagdagdag ako ng tagalog sa aking topics, yung tulang tagalog at kwentong tagalog. Wala pa masyadong laman yan, pupunan ko pa lang haha. Mga bagong putahe ng aking beloved blog haha. Until next time buddies ^^, There’s more to come πŸ™‚