Vacay! (Kalanggaman Island) Leyte

I’m back again! Katatapos lang ng bakasyon ko this month. Ngayon ko lang din naisipan na i-post to sa blog ko haha. Super late post! Ngayon lang ako nakapag blog ulit, na miss kong sumulat. Anyways, 5 months din inantay naminpara makapunta sa Kalanggaman Island. Plinano talaga namin ng kaibigan ko na puntahan to kasi super stress na kami sa work, and we really need a break. Marami kami naririnig na magagandang feedbacks sa island and maganda daw talaga, so we give it a shot. Super excited kami after makapagpa book ng ticket. Then finally, the most awaited day has arrived! Kung kelan aalis na kami dun pa lang ako mag aayos ng mga gamit na dadalhin haha. The night before kami umalis gumala pa ko, kung kelan aalis na kami sa mismong araw dun pa lang ako nag ayos ng mga dadalhin, ang hilig ko talaga sa rush! Ang ending kulang kulang ang mga nadala ko. Buti na lang my good friend tintin is with me, may nahingan at nahiraman ako na mga things na kelangan ko hehe. Sisiguraduhin ko na next time na mag out of town ako prepared ako! This is my first out of town ever at di pa ko prepared! Ewan ko ba kung ano nasa isip ko, abnormal e. Maulan nung umalis kami parang may bagyo ata buti na lang di ganun ka lakas ulan.

plane1
umuulan pa talaga, tsk.
clouds
Puro puti nakikita ko kasi umuulan, haays. Di ko na enjoy ang view sa taas :/
selfie1
Nag-selfie na lang si Inday! haha
selfie2
Tin! say hi!

Eto na nga nakarating na kami Leyte, sinundo kami ng tito ng friend ko. Saya! Roadtrip. Dinaanan muna namin yung Mc Arthur Park. Probinsya feels! Napaka presko ng hangin! Hmmm.. Saaaraaapp!!

mcarthur-park
@McArthur Park w/Christine

Nag stay kami sa house ng lola ni tintin. Kinabukasan nagpunta kami Tacloban, dinayo namin yung Ocho Seafood Restaurant. Can afford nyo sya guys at take note ang sasarap ng pagkain. Di kayo magsisisi.

ocho-restaurant
Enjoying the food! Yumyum!

After namin kumain, pinuntahan namin yung San Juanico Bridge, the longest bridge in the Philippines that connects Samar and Leyte. At syempre, di ako nagpahuli magpakuha ng picture dito 🙂 Buti na lang di maulan.

san-juanico-bridge
Model po ng tulay haha!

Meron pa pala kami pinuntahan, nadaanan namin to pauwi sa bahay nila tintin. Nakalimutan ko kung ano tawag dito hehe. Pakita ko na lang yung picture. May mahabang staircase tas sa taas may kubo na kita mo yung tanawin sa paligid. Mare-realize mong ang sarap mabuhay!

hello
pasilip hehe
scenery
ganda nung view sa likod ko 🙂
scenery2
hays, sarap magmuni muni dito
sunset
palubog na araw nito
tinay
Ganda ni tintin oh :))
wala-lang
little footsteps! parang sobrang liit ng paa ko dito haha

At ang pinakaaantay namin, for 5mos. mapupuntahan na rin nami sa wakas! Nag travel muna kami papunta Palompon and once you’re there sasakay kayo ng bangka papunta sa Kalanggaman Island. Thank God, kasi nakisama talaga yung panahon sa amin. Napakaganda nung weather nung pagpunta namin sa Island. kasi nung gabi ulan ng ulan. So thankful talaga kami ni tintin kasi eto ang main reason ng pinunta namin dito 🙂

trees
On the way to Palompon.. Probinsya feels talaga 🙂
palompon
Ganda rin pala ng Palompon!
turtle
Totoo po syang turtle na na-reserved! Galing!
beach
Nakaka-relax tingnan 🙂
beach3
Nakasakay na kami bangka papunta sa island
beach2
excited na kami nito hehe

At last! Nakarating din kami. Worth the wait! Nakaka inlove ang lugar. Nakakawala ng stress. parang ayoko na bumalik sa city haha. Marami talaga magagandang lugar sa Pilipinas na kelangan puntahan at i-explore. Sarap lang sa feeling 🙂

sand
Footprints! Ganda ng sand :))
sand2
Ang ganda lang talaga ^_^
komang
Ano nga ba tawag dito? hehe. ang cute 🙂
view7
far away look! haha
view6
obvious bang masaya kami? ^^,
view5
masaya kami, so what? 🙂
view4
sarap mag-feeling! haha
view3
ganda ng dagat ^^.
view2
yung dagat yung nagdala haha
view
queen of the world! ^_^
beshy2
say cheese!
beshy
hello tin! ganda ng sand!

Parang konti nga lang pictures namin dito ni tintin hehe. May isa lang pala ako napansin, yung cr hindi maganda, kaasar nga e hehe. Pero more than that wala na naman ako reklamo, yung cr lang talaga 🙂 Sobrang nag enjoy talaga kami. We give ourselves a treat for working hard. It’s about a lifetime experience. Paminsan minsan kelangan din natin magsaya di lang puro trabaho, nakakamatay yun hehe. Nung pauwi na kami naiwanan kami ng eroplano, di namin na check yung oras ng alis namin haha. Ang next flight kinabukaan pa! Need na namin makaalis talaga nun kc kinabukasa may pasok na ko and lucky for tin, off nya yun. So ang ending nag-bus kami pabalik haha. epic fail talaga. Pero ok lang, charge to experience na lang 🙂 Next stop, Cebu naman next year. See you Cebu!

Ang sarap sa pakiramdam na makalanghap ka ng sariwang hangin, parang gusto ko nga mag uwi nu e kaso napaka imposible naman di ba haha.Hindi to maiintindihan ng mga followers kong banyaga, pinili kong isulat sya sa tagalog e, nosebleed na ko kaka-english haha.  Hanggang dito na lang muna. Hanggang sa susunod kong kwento!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s