Bakit nga ba ako nag blog? Nung una di ko talaga alam kung bakit. Nainggit lang kasi ako sa pinsan at kapatid ko. Inggitera eh! Haha! Wala akong ideya dati kung ano ang blog.

Wait! Teka lang! Bago ako magpatuloy sa aking kwento, isa munang patalastas! Haha. Kidding aside, hehe, pansin nyo naman siguro na karamihan sa mga sinulat ko ay wikang Inggles ang ginamit ko. Hep hep hep! Alam ko na iniisip nyo, may super powers kaya ako, nakakabasa ako ng mga isip! haha. Alam ko karamihan sa mga tao mapanghusga, ganyan din ako minsan haha.

Whoop! Pakinggan nyo muna rason ko.. ay este basahin pala haha. Inisip ko talaga dati kung sa anong lengguwahe ko isusulat ang lahat ng nasa isip ko dito sa aking blog. Akalain nyo yun! Nag-iisip din pala ako haha. Dalawang choices lang syempre ang pinagpilian ko, Tagalog at Inggles! Yun lang alam ko eh 🙂 Naisip ko na pag purong Tagalog lang ang isusulat ko, malamang mga kapwa ko lang Pilipino din ang makakaintindi sa akin. Ayoko ng ganun. Limited lang ang mambabasa ko.Gusto ko kasi lahat maiintindihan ang mga pinagsasasabi ko dito. Gusto ko pati mga banyaga, makaka-relate naman sa kung ano ang gusto kong ipabatid. Kaya napag desisyunan ko na Inggles ang gamitin kong lengguwahe.

Sigurado ako ngayon, “nose bleed” ang mga banyagang sumusubaybay sa aking blog pag nabasa nila  ito dahil isang umaatikabong Tagalog ang sinulat ko. Hahaha!  Hindi naman sa pagmamayabang, ahem! karamihan sa aking mga followers ay kung saan saang lupalop ng daigdig nanggaling. Mga alien! Hahaha! Nakauto ako haha. Mga ingglisero’t ingglisera, pang United Nations ata ang blog ko ahaha! Kaya kinakailangan ko talaga mag inggles para sa kanila haha. Di naman lingid sa ating kaalaman na ang Inggles ay “universal language”, kaya kahit sino o ano pa man ang lahi, nakakaintindi at nakakapagsalita nito. Mas madali kong naipaparating ang aking damdamin sa iba’t ibang sulok ng mundo na kanila namang niyayakap. Hindi porket Inggles ang ginagamit ko sa aking pagsulat ay hindi na ako maka Pilipino. Ang pagiging Pilipino ay hindi lang nababase sa pagsasalita ng wikang Tagalog kundi ito ay isinasapuso, at pinapakita sa gawa. Wala ba kayong mga kamay? Palakpakan naman dyan haha.

Ang tanging ginagawa ko lang dati sa blog ko ay mag-reblog. Reblog dito, reblog doon. Walang katapusang reblogging ng kung anu-ano haha. Tapos napaisip na naman ako. Aba! feeling ko tumatalino na ko kasi lagi ako napapaisip ahaha. Dun ako nag-umpisang magsulat online. Parang diary lang nug una tas nag-level up ako haha. Gumawa rin ako ng mga tula, as usual nainggit na naman ako sa iba haha. Inggitera ako in a good way naman, oh ha! nag justify na naman ako haha. There’s an artist in me pala, naks! di ko ini expect yun hahaha. Napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko. Kaya ko rin pala.

Kung napapansin nyo nagdagdag ako ng tagalog sa aking topics, yung tulang tagalog at kwentong tagalog. Wala pa masyadong laman yan, pupunan ko pa lang haha. Mga bagong putahe ng aking beloved blog haha. Until next time buddies ^^, There’s more to come 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s